1.
Pagkilala sa may
akda:
Si Benjamin P. Pascual - pinanganak sa Tondo,
Manila noong Enero 16, 1928. Anak nina Domingo pascual at Adriana Punong-
bayan. Isa siyang fictionist at playwright. Kasal siya kay Erminda
Besabe. Sila ay may 5 anak. Siya ay din ay nagtrabaho sa Phil. Free
Evening News Magazine at This week. Isinulat niya ng Ang Kalupi´ na
na inilimbag sa Liwayway. Nagtrabaho din siya sa Liwayway bilang comis
editor at copy editor simula 1956-1981. Isinulat din niya ang ilang sa mga
Kahilingan 1st prize 1963 at iba.Nanalo di siya ng
pangalawang beses sa Filipino of CCP Literary Contest for General Goyo noong
1971. Ang kanyang nobelang Utos ng Hari-
nanalo ng grang prize sa nobelang Filipino noong 1975.
2.
Uri ng Panitikan:
Ø Ang Kalupi ay isang Maikling Kwento, at
isang masing na anyo ng Panitikan isang
maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilangtauhan at may iisang impresyon lamang.
3.
Layunin ng akda:
Ø Ang layunin ng kwentong ito na maipahiwatig ang tunay
na nagyayari sa ating lipunan, ang kahirap at kawalan ng hustisya.
Ø Upang malaman ng mambabasa kung ano ang kahantungan ng
panghuhusga sa kapwa.
4.
Tema o Paksa ng
akda:
Ø “Huwag mong huhusgahan ang
panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban.”
5. Mga
Tauhan sa akda:
Ø Aling Marta -pangarapnamakatapos ang dalaga.Siya ay may katandaan na, mainitin ang
ulo, mapagmarunong sa autorodad at makakalimutin din
kung minsan. MInsan ay may pagkasinungaling
at mapanghusga. Siya ay isang madisiplinang ina pagkat ang
isang kasalanan at ipipilit niyang may kaparusahan.
Ø Andres Reyes - napagbintangan na kumuha ng pitaka at
mudos operandi. Walang permanenteng tirahan, anak mahirap, walang
pinag -aralan ngunitmapagmahal sa pamilya.
Ø Asawa ni aling Marta -matiyagang nagtratrabaho para sa
kanila, mahilig manigarilyo at siyang kumukuha sa kalupi
ni Aling Marta ng walang paalam kaya niya
ito nakalimutan.
Ø Mga Pulis - Sila ang humuli at nag-imbestiga
sa inaakusang pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.
Ø Aling Godyang - Ang tinderang inutangan
ni Aling Marta ng pambili ng panghanda.
Ø Dalagang Anak ni Aling Marta - Ang magtatapos
sa hayskul at paghahandaan ni Aling Marta ng garbansos na siyang
paborito nito.
6. Tagpuan/
Panahon:
Ø Palengke,
Bahay at Pulisya.
7. Nilalaman/Balangkas
ng mga Pangyayari:
Ø ang pagayayari ay nagpapahayag ng
pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit ng mga pangayayari
ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.
8. Mga
kaisipan/ideyang taglay ng akda:
Ø Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang
mahirap makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gusting ipabatid sa atin ng
manunulat na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan.
9. Istelo
ng Pagkakasulat:
Ø Ang istilo ng pagkakasulat ng akda
ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay.
10. Buod:
Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian. Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya pumasok siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta "Pasensya na po." Sabi ng bata. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. "Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao." Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta. "Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso." Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari.Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: "Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng apgkawala nito. Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak" "Saan pa, e di sa pitaka." "Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin.”
Aral:
Huwag maghusga ng tao sa panlabas nitong anyo ng walang
sapat na batayan, isiping maigi ang mga desisyon. Dahil marami ang namamapatay
sa maling akala.
“Huwag mong huhusgahan ang
panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban.”